Thursday, May 5, 2011

Beato Juan Pablo Ikalawa sa Basilica Minore ng Malolos


Blessed John Paul II



May  04, 2011

Ngayong araw na ito nag decide kami na pumunta sa Katedral ng Malolos dahil gusto naming bisitahin ang exhibit ng memorabilia at relic ni Beato Juan Pablo II.  Pero bago pa namin ito napuntahan, pumunta pinuntahan pa namin ang virina sa San Fernando, Pampanga para palitan ang mga nabasag para sa karosa.  Matapos namin makuha ang virina, derecho na kami sa Malolos Cathedral. 

Nang marating namin ang Cathedral, agad kaming tumungo sa exhibit kasi almost 6:00 na at magsasara na ang exhibit.  Sa awa naman ng Diyos ay naabutan namin na bukas pa ang Pastoral Office ng Diocese.  Pagpasok namin sa veranda ng Diocese, doon na nakalagay ang mga memorabilia at relic ng dating Santo Papa.  Interesting ang mga pictures ng mga obispo at paring na pinalad na nakadaupang palad ang Santo Papa.  Ang mas kumuha sa akin ng malaking interest ay ang sotana na kanyang isinuot na nasa pangangalaga ng dating Obispo Cirilo Almario Jr. at ang upuan na kaniyang inupuuan noong World Youth Day 1995 na ginanap sa Manila. Habang pinagmamasdan ko ang mga relic na ito, para bang pinanindigan ako ng balahibo, di ko maintindihan ang nararamdaman ko nung mga oras na iyon.  Para bang ibinubulong sa akin na magdasal ako at huwag makalimot na tumawag sa Diyos.  Sinunod ko ang boses na iyon.  At nagkataong pagharap ko sa larawan ng Santo Papa, mayroong mapagnilay na panalangin para sa kanya.  Dinasal ko ang nasabing dasal at umusal ako ng aking personal na dasal kalakip ang kahilingan, papuri at pasasalamat sa Diyos nating Lumikha.

Ang nasabing exhibit ay magtatapos hanggang ika-15 ng Mayo, 2011.   

Upuang ginamit ng Santo Papa noong World Youth Day 1995

Ang kasulya na nasa pangangalaga ng Dating Obispo Almario

Ang Cathedral ng Malolos na itinalagang maging Basilica Minore sa panahon ng Santo Papa Juan Pablo II

No comments:

Post a Comment