Monday, June 6, 2011

Paalam, Tita Inday

Kagabi lang, 05 ng June 2011, habang nag-iinternet ako, may nag text sa akin, kapatid ko si Rommel, ang sabi patay na raw si Sis. Linda Abalayan. Nagulat ako, dahil wala naman akong alam na sakit ang matanda.  Hindi pa ako na kuntento, na post ako sa wall ni Ate Gigi sa Facebook kung confirm ba ang balita na ito.  Dumaan ang magdamag hanggang buksan ko ang aking Facebook account at doon sinabi niya na confirm ang balita.

Hindi ko malaman kung paano ko siya ilalarawan, pero ang alam ko ang dapat kong maalala sa kanya.  Masungit na babae ang elder na ito ng simbahan ng San Bartolome, ang parokyang aking pinagsilbihan sa matagal din na panahon.  Di naman matangkad, di naman panda, maputi, medyo mataba, singkit ang mata, guhitang kilay, kulay mais ang buhok dahil sa pinakukulayan niya ito. Bihira kong makitang hindi naka damit na maayos, kung hindi lang mag lilinis ng simbahan.  Deboto ng Mahal na Senor Nazareno at minsan ring naging presidente ng samahang ito.  Di ko siya lubos na kilala, naririnig ko lamang ang kanyang pangalan sa mga mass intention sa simbahan lalo na tuwing Biyernes, ang misa para sa Mahal na Senor Nazareno.  Ngunit sa isang pagkakataon nakausap ko siya, galit na galit na di ko alam kung ano ang pinagmulan ng kanyang pagkayamot noong araw na iyon.  Mayroon daw siyang nakasagutan, at doon nagsimula siyang magkwento hanggang kaya niya.  Sa huli, ipinaliwanag ko rin kung ano ang nangyari sa kanilang pag-uusap at parang sa tingin ko ay naintindihan niya. Mula noon pag may nakasagutan siya sa parokya at nagkataong nandoon ako, ako ang hingaan niya ng sama ng loob.  Hindi ko rin malimutan ang kabutihan ng loob niya, ng minsan kapusin ako ng pera para sa review class, humingi ako ng tulong sa samahan.  Nanliliit man sa kahihiyan, ginawa ko pa rin ang dapat kong gawin.  Binigyan ako ng samahan, bukod sa kanya na malaking halaga ang ibinigay niya.  Wala siyang condition at wala siyang hiningi sa akin kundi ang ipasa ko ang board.  Sa awa ng Diyos ipinasa ko naman ang LET Exam at buong pagmamayabang kong sinabi na pumasa na ako at kaisa ka sa tagumpay ko.  Ngumiti lang siya at hinampas ako sa balikat at sinabing ikaw talaga.

Taong 2003 ng di na ako umuuwi sa Tugatog, dumalang na ang aking pagpunta sa parokya, pero patuloy pa rin siyang naglingkod dito.  Tuwing Mahal na Araw, Pasko o di kaya'y fiesta ng Senor Nazareno doon ko siya nakikita.  Pagdarating ang karosa ng Santa Marta na aming inaalagaan, siya ang unang pupuri, kahit na ang gayak lamang nito ay mga paper roses. Dumalang at dumalang hanggang sa halos hindi na kami nagkita.  Nasilayan ko na lang siya sa taong ito, 2011 noong Fiesta ng Nazareno.  Siya ang nadala ng tres potencias ng Nazareno.  Noong pupuntahan ko na sila para batiin, nakaalis na.  Na miss ko ang opportunity.  At ngayon nakita ko na siya, ang kanyang labi, nandoon pa rin ang maaliwalas na mukha, pusteryosang pananamit, ang guhitang kilay, subalit ng bumati ako sa kanya, hindi na siya sumagot, doon na ako naluha at nasabi sa sarili kong talagang wala na siya.  Pero di ako nangangamba, dahil alam ko na sinamahan siya ng Mahal na Birhen tungo sa kanyang Anak na si Hesus dahil siya ay pumanaw sa unang Sabado ng Buwan, tulad ng mamatay si Cory Aquino.

Sana Tita Inday, ngayon kasama mo na ang Nazareno, ipanalangin mo kaming lagi, at magtaray ka kung kailangan para matutunan namin kung tama o mali ang aming mga desisyon sa buhay.

Paalam Tita Inday

Tuesday, May 10, 2011

Visita Iglesia Part 1 (A Tour to Batangas Churches)

March 11, 2011 Friday and 3:30 in the morning. Napaka-aga naming gumising para sa aming unang pagsali sa Pilgrimage na inorganize ng Apostolado ng Panalangin ng Parokya ng Panginoong Muling Nabuhay. Pagdating namin sa simbahan, natuwa pa kaming parang mga bata dahil ang aming akala ay nauna kaming dumating, pero ang lahat ng mga kasama aynasa loob ng simbahan at ino-orient ni Fr. Manny.  Disappointed ako sa mga ganitong orientation ni Fr. Manny, time consuming at nagmumukha ewan sa way niyang mag orient. Pati ang seating arrangement ay naku pang student ng prep school ang paraan, samantalang ahead of time kung may dalawang bus na naarkila, pwede ng isulat at i post ang mga pangalan ng sasama at doon na hanapin pati ang kanilang seating arrangement.  Ok na sinimulan na rin namin sa simbahan ang opening prayer ng station of the cross, at pagkatapos nito sakay na kami sa bus.  Pagkasakay namin ng bus naku naman sa laki namin ni Doc wala kaming leg room kaya nag decide kami na kunin pareho ang malapit sa aisle na para magkaroon ng leg room at maging comfortable kami kahit papaano.

Natapos ang orientation round 4:00 something, isang oras na aming ginastos sa orientation. Nag stop over kami sa isang gasolinahan sa SLEX.  Ang akala namin ay bibili lamang ng snack at gagamit ng cr ng mabilisan.  Hindi namin akalain na dito na kami sisikatan ng araw, malayo pa ang aming lalakbayin ang akala nila nandiyan na ang Lipa, Batangas. Ewan ko sa kanila basta uupo na lang ako at makikinig ng music sa I pod ko.

Ang sumumusunod na simbahan at ang aking observation 
Main Altar ng Cathedral

Background ko lang sila ha ha ha

Doc and the parishioners

Katedral ng Lipa

Mga taga Pacheco / Antonio / Felizville
1.  METROPOLITAN CATHEDRAL OF ST. SEBASTIAN (Lipa City, Batangas) - Matagal na rin akong natira dito sa Batangas at nadadaanan ko lang ang simbahan na ito at ngayon lang ako napasok sa simbahan na ito.  Dito namin pinagnilayan ang Una at Ikalawang Estasyon ng Krus.  As usual dala na naman ang mahiwagang tarp na may panalangin kahit na may dala ng misal ang bawat isa  para sa Estasyon ng Krus pati ba naman ang karaniwang dasal na Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Gloria nasa tarp pa at dapat basahin!?! Ang OA nito. Anyways di ko na lang pinansin, inenjoy ko na lang ang view ng simbahan.  

Group picture sa altar

Photographer ako kaya laging solo ang picture

Aparition site

Solo picture ko sa harapan ng simbahan

Mga taga Pacheco / Antonio / Felizville sa harapan ng simbahan















































 























2.   MONASTERY OF MT. CARMEL OF  OUR LADY OF MEDIATRIX OF ALL GRACE (Antipolo del Norte, Lipa City, Batangas) - Dito namin ginanap ang misa na pinamunuan nina Fr. Manny at Fr. RJ.  Kumpleto naman ang cast ng misa, pati ang organ pinakialaman ko. Speaking of organ, di ako talaga marunong gumamit ng organ na ito kaya to the max ang pagkakamali ko ha ha ha.

Station of the Cross and the Grotto

Main Altar
Simbahan ni San Jose ang Partriyarka

Ako ulit background sila

taga Pacheco sa harapan ng simbahan with Doc

taga Pacheco sa harapan pa rin ng simbahan na ako naman ang kasama




3. ARCHDIOCESAN SHRINE OF ST. JOSEPH THE PATRIARCH (San Jose, Batangas) - Talaga namang time consuming ang nangyari sa amin.  Nadaanan na namin sa STAR ang bayan na ito pero di pa rin kami dumaan dito at nagtuloy pa rin kami sa Lipa.  Anyways, dito namin ginawa ang Pangatlo at Pang-apat na Estasyon.  Doon kami nagnilay ng panalangin sa bagong gawang garden sa likod ng simbahan. Ayon sa curator ng simbahan, bagong gawa lang ang garden na mayroong Station of the Cross, at ang bawat isa nito ay inilalabas sa prusisyon ng Biyernes Santo. Ito rin ay bigay ng mga pamilya at promenenteng tao ng bayan. Mayroon din libingan sa may garden para sa mga labi ng taong nagbigay ng matinding contribution sa simbahan.  Sa loob naman, maganda at malinis ang simbahan, talagang alagang alaga ito.  Sa main altar naroon ang imahen ni San Jose, at sa side altar naroon ang isa pang imahen ni San Jose kung saan pwede kang mag beso manto.

Lipa's version of Jubilee Cross


Group Picture at the Altar
Simbahan ng Santissima Trinidad
Main Altar of the Church








4. MOST HOLY TRINITY & SHRINE OF THE GLORIOUS CROSS (Pallocan West, Batangas City) - A neo-classical type building iyan ang isang madaling pagsasalarawan ng nasabing simbahan.  Matatagpuan ito malapit sa SM City Batangas.  Isa sa bagong simbahan na kabilang sa pilgrim churches ng Lipa.  Sa bawat gilid at sulok ng simbahan mayroong simbolismo na may kinalaman sa Santissima Trinidad. Dito na rin kami inabutan ng tanghalian kaya dito na kami kumain. Kaming mga taga - Pacheco doon kami kumain sa may bell tower.  Matagal tagal din kaming nag stay dito.


Main Altar with the group

Me at the Shrine of Sto. Nino

Nave ng simbahan

Minor Basilica  Immaculate Concepcion  


5. MINOR BASILICA OF THE IMMACULATE CONCEPCION (Batangas City, Batangas)
Kapangalan pa niya ang sa Malolos, anyways, tuloy pa rin ang aming pilgrimage. Maganda at malawak ang simbahan na ito. At dito rin namin nakita ang isang version ng imahen ng Sto. Nino na kulay itim. 




Ang hindi ko lang din malaman sa plano kung bakit pa nilampasan ang Parokya ng Imaculada Conception ng Bauan, samantalang kasama naman ito sa listahan ng mga pilgrimage churches ng Archdiocese ng Lipa.  At parang sinusubukan din kami ng kalaban na muntik ng makasagasa ang aming bus patungo sa simbahang susunod.

Main Altar of the Basilica

Ceiling of the Church

Doc at the facade

Largest Church in the Far East

Me at Taal Basilica





6. MINOR BASILICA OF ST. MARTIN OF TOURS (Taal, Batangas) - tinaguriang " Pinakamalaking Simbahan sa Pilipinas at sa buong Asya".  Dito kami ang namuno sa pagninilay ng Estasyon ng Krus bago pa kami nag usisa sa simbahan. Limang minuto lamang ang layo mula dito ang Simbahan ng Birhen ng Caysasay.

Shrine of Our Lady of Caysasay

View of the main altar from the nave

Replica of Image of Our Lady of Caysasay
 7. SHRINE OF OUR LADY OF CAYSASAY (Labac, Taal, Batangas) - Isang magandang kapilya na itinayo sa karangalan ng mapaghimalang imahen ng Birhen ng Caysasay.  Ilang beses na rin itong nailipat dahil sa madalasang pagputok ng Bulkang Taal.  Naramdaman ko rin ang kakaibang presensiya ng ibinaba ang replika ng birhen.  Dinulog ko dito ang aking mga hiling at pasasalamat.  At dito rin namin nabalitaan ang naganap na malakas na lindol at tsunami sa bansang Hapon.

Mga nag eestasyon malapit sa Altar

Facade

Imahen ni San Raphael

8. PARISH OF ST. RAPHAEL  (Calaca, Batangas) - Kasalukuyang isinasaayos ang simbahan ng San Rafael bilang paghahanda sa 100 taon Jubileo ng Archdiocese ng Lipa.  Di na nagawang makapasok ang ilan sa aming mga kasama dahil sa masangsang na amoy ng binabarnisang mga upuan. Malapit ng dumilim ng umalis kami sa simbahan.

Relic of St. Francis Xavier

View of the main altar

Nuestra Senora de Escalera / Our Lady of the Staircase 

Facade of the Church   

9. PARISH OF ST. FRANCIS XAVIER (Nasugbu, Batangas) - Inabutan na kami ng sobrang dilim sa lugar na ito. Ang akala ko ay sarado na ang simbahan, ngunit di pala.  Hinihintay pala kami ng mga taga parokya.  Dito na namin tinapos lahat ang mga pagninilay sa estasyon ng krus. Nandito rin ang relikaryo ni San Francisco Javier kung saan kami umusal ng aming kani-kaniyang dasal.

10.  MAHOGANY MEAT MARKET -  di ko alam kung bakit kami napunta sa lugar na ito.  Gutom na gutom na kami at gabing gabi na ng mapunta kami dito.  Gusto ko ng umuwi, kasi 8:30 na ng gabi. Wala namang pinagkaiba ang presyo ng karneng baka dito at sa aming palengke. At kung makabili man, wala rin naman silang paglalagyan nito.  


Sa hindi rin inaasahang pangyayari, narating namin ang aming destinasyon ng alas dose ng hatinggabi.  Ang sabi ng ilan ay bukas ang awarding ceremony ng Diocese sa Divine Mercy sa Marilao, ang sabi ko congratulations na lang kay Sis. Baby Batallones kaya lang di na kaya ng powers ko.

Thursday, May 5, 2011

Beato Juan Pablo Ikalawa sa Basilica Minore ng Malolos


Blessed John Paul II



May  04, 2011

Ngayong araw na ito nag decide kami na pumunta sa Katedral ng Malolos dahil gusto naming bisitahin ang exhibit ng memorabilia at relic ni Beato Juan Pablo II.  Pero bago pa namin ito napuntahan, pumunta pinuntahan pa namin ang virina sa San Fernando, Pampanga para palitan ang mga nabasag para sa karosa.  Matapos namin makuha ang virina, derecho na kami sa Malolos Cathedral. 

Nang marating namin ang Cathedral, agad kaming tumungo sa exhibit kasi almost 6:00 na at magsasara na ang exhibit.  Sa awa naman ng Diyos ay naabutan namin na bukas pa ang Pastoral Office ng Diocese.  Pagpasok namin sa veranda ng Diocese, doon na nakalagay ang mga memorabilia at relic ng dating Santo Papa.  Interesting ang mga pictures ng mga obispo at paring na pinalad na nakadaupang palad ang Santo Papa.  Ang mas kumuha sa akin ng malaking interest ay ang sotana na kanyang isinuot na nasa pangangalaga ng dating Obispo Cirilo Almario Jr. at ang upuan na kaniyang inupuuan noong World Youth Day 1995 na ginanap sa Manila. Habang pinagmamasdan ko ang mga relic na ito, para bang pinanindigan ako ng balahibo, di ko maintindihan ang nararamdaman ko nung mga oras na iyon.  Para bang ibinubulong sa akin na magdasal ako at huwag makalimot na tumawag sa Diyos.  Sinunod ko ang boses na iyon.  At nagkataong pagharap ko sa larawan ng Santo Papa, mayroong mapagnilay na panalangin para sa kanya.  Dinasal ko ang nasabing dasal at umusal ako ng aking personal na dasal kalakip ang kahilingan, papuri at pasasalamat sa Diyos nating Lumikha.

Ang nasabing exhibit ay magtatapos hanggang ika-15 ng Mayo, 2011.   

Upuang ginamit ng Santo Papa noong World Youth Day 1995

Ang kasulya na nasa pangangalaga ng Dating Obispo Almario

Ang Cathedral ng Malolos na itinalagang maging Basilica Minore sa panahon ng Santo Papa Juan Pablo II

Thursday, April 28, 2011

Visita Iglesia Part 2

Holy Tuesday, 19 April 2011, natuloy na rin ang plano naming magkaroon ng pangalawang Visita Iglesia. Marami kaming kasama, maliban sa aming mga "amoebas" kasama rin si Ambet at ang kaibigan niya.  Alas 6:00 pasado nakarating kami sa isang gasolinahan sa SLEX upang mag almusal.  Kumain kami sa Mc Donald's at doon namin plinano lahat ng aming pupuntahan.  Di naman kami nagtagal sa aming almusal upang makausad na agad kami. At ang sumusunod na mga simbahan ang aming napuntahan, kasama na dito ang aking mga naobserbahan.

Altar  in the Temporary Site


Temporary Church of San Pio
Me asking for blessing
1. SIMBAHAN NI SAN PIO (Sto. Tomas, Batangas) -  Wala sa original na plano namin ang bumisita sa simbahang ito. Subalit sa naririnig kong testimonies ng mga himala ni San Pio at sa mga taga Batangas na suggestion na kailangang mabisita namin ang site na ito, di na kami nagdalawang isip na pasyalan ito.  Mula sa highway na patungo ng San Pablo, kumanan kami sa kanto at sinundan na lamang ang mga karatula patungo sa site.  At doon ko napatunayan na tama silang lahat, ibang iba ang pakiramdam ko sa lugar. Bukod sa National Shrine ng Divine Mercy sa Marilao, dito naramdaman ko ang kakaibang kataahimikan, kahit may mga gumagawa sa site. Doon namin sinimulan ang una naming pagmumuni muni sa Salita ng Diyos na nailimbag sa Triduum ng Pagpapakasakit, Pagkamataya at Pagkabuhay ni Jesus.  Matapos ng aming reflection, pinuntahan naman namin ang relikaryo ni San Pio, at doon umusal kami ng panalangin at humingi ng mga milagro sa tulong ni San Pio.

The new main altar of the Cathedral

Facade of San Pablo Cathedral

 
2.  KATEDRAL NG SAN PABLO HERMITANYO (San Pablo City, Laguna) - Natutuwa naman ako at sa matagal ng panahon at muli akong napunta sa Katedral ng San Pablo.  Naalala ko pa nga noon ng kami ay namimiyesta dito tuwing buwan ng Enero.  Pagkatapos naming magsimba dito ay didirecho na kami sa kamag-anak ng mga nanay na patungo sa Lawa ng Sampalok. Natatandaan ko pa nga ang hitsura ng main altar nito noon. Kasabay ng pagbabago ng panahon, pinalitan na rin ang main altar ng Katedral at mas maganda na siya kaysa noon. Ito ang pangalawang simbahan na aming napasyalan.

Kuha mula sa Crypt

Santo Entierro o ang imahen ng bangkay ni Jesus

Altar sa Crypt

Doc and Neth sa ilalim ng sementeryo

Sa likod ko ang "crypt"

Kuha mula sa gate ng semente

3.  KAMPO SANTO SA LIBINGAN SA ILALIM NG LUPA NG NAGCARLAN - Isa sa dapat daanan kung gagawi ka ng Nagcarlan ay ang Underground Cemetery nito. Malayo-layo rin ang paglalakbay mula sa Katedral ang pagtungo dito.  Bukod sa makakasaysayan ang lugar na ito, meron ibang pakiramdam ang babalot sa iyo para mag masid sa lugar na ito. May kakaiba akong karanasan na nagpatindig ng aking balahibo habang aming pinagninilayan ang pangatlong pagbasa.  Isang babae ang aking napansin na bumaba patungo ng crypt.  Sa aming pag-uusisa, may mga nakapagsabi na rin na mayroon din ibang mga tao na pinagpakitaan ng babaeng ito, kung sino man ang babaeng ito, ay siya kong ipinagdasal. 
      Sa kabilang banda, tuloy pa rin ang aming pag uusisa sa lugar na ito.  At dito rin na strike one si Neth ha ha ha.  Habang kumukuha ako ng larawan, inalok ako ng isang babae ng pakete ng pasalubong na pastillas. Habang nagbabayad ako sa kanya, hinikayat ako na bisitahin ang Parokya ni San Bartolome, ang simbahan ng Nagcarlan di kalayuan sa libingan.
Si Doc Nel at ang Main Altar ng Parokya ng San Bartolome

Ang Simbahan ng Nagcarlan










4. PAROKYA NI SAN BARTOLOME (Nagcarlan, Laguna) -  Di naman kalayuan sa Underground Cemetery itong napakalaking simbahan ng Bayan ng Nagcarlan. Maganda ang simbahan at napakatahimik.  Tamang tama sa pagninilay. Itong simbahan na ito ay sinasabing naging location ng Kampanerang Kuba.
Harapan ng Simbahan ng Liliw
Main altar
 









5. PAROKYA NI SAN JUAN BAUTISTA (Liliw, Laguna) - Ang simbahang ito, maliban sa Simbahan ng Nagcarlan, para ka na ring nagpunta sa Vigan dahil sa pagkakagawa ng mga simbahan na ito. Red bricks halos ang karamihan.  At ang bagong retablo nito ang sabi ng mga taga Liliw ay nirestore at inabot ng 2.5 milyon pesos. Totoo ba ito!?! ha ha ha. Pero kahit gaano pa ang halaga, ang mahalaga ay ang kanilang malalim na debosyon sa Panginoon ng mga taga Liliw.

Doc and the Gang
Main Altar


Sta. Maria Magdalena
Me sa Facade ng simbahan
Simbahan ng Magdalena


6. PAROKYA NI SANTA MARIA MAGDALENA (Magdalena, Laguna) - Isang simple at payak pero maigting na simbahan ang Parokya ni Sta. Maria Magdalena.  Magkakalapit lamang ang lahat sa isang lupa, ang munisipyo, palengke, plaza at ang simbahan, isang typical na layout ng Spanish community.  Dito rin namin na discover ang kakaibang paraan ng pagbasa ng Pasyon ng Panginoon na aming narinig sa San Agustin Church noong tignan namin ang exhibit dito.  Sinasabi rin na dito din nag location ang Bata pa si Sabel.

7. SIMBAHAN NG INMACULADA CONCEPTION (Sta. Cruz, Laguna) - Ang pinakahuli naming simbahan na binisita at nagsara ng aming Visita Iglesia Part 2.  Nasa kabayanan na ang lugar na ito kaya medyo maingay na ang lugar, pero background pa rin ang pasyon na may sarili nilang bersyon.

Ito ang aming  Visita Iglesia namin at natapos ito ng maaga. Tamang tama na sa pagkain ng tanghalian. Habang daan humanap kami makakainan along the highway.  Ang akala namin ito iyong Palaisdaan di pala kaya umuwi kaming nagsisisi sa nakain namin, pero ok na rin kasi napatid na rin ang gutom namin.

Ng makarating kami ng Maynila, binili na namin ang kulang na spare parts ng chandelier para sa karosa at bumili na rin kami ng mga bulaklak na idedekorasyon sa aming karosa para sa Miyerkoles Santo.