Holy Tuesday, 19 April 2011, natuloy na rin ang plano naming magkaroon ng pangalawang Visita Iglesia. Marami kaming kasama, maliban sa aming mga "amoebas" kasama rin si Ambet at ang kaibigan niya. Alas 6:00 pasado nakarating kami sa isang gasolinahan sa SLEX upang mag almusal. Kumain kami sa Mc Donald's at doon namin plinano lahat ng aming pupuntahan. Di naman kami nagtagal sa aming almusal upang makausad na agad kami. At ang sumusunod na mga simbahan ang aming napuntahan, kasama na dito ang aking mga naobserbahan.
|
Altar in the Temporary Site |
|
Temporary Church of San Pio |
|
|
Me asking for blessing |
1. SIMBAHAN NI SAN PIO (Sto. Tomas, Batangas) - Wala sa original na plano namin ang bumisita sa simbahang ito. Subalit sa naririnig kong testimonies ng mga himala ni San Pio at sa mga taga Batangas na suggestion na kailangang mabisita namin ang site na ito, di na kami nagdalawang isip na pasyalan ito. Mula sa highway na patungo ng San Pablo, kumanan kami sa kanto at sinundan na lamang ang mga karatula patungo sa site. At doon ko napatunayan na tama silang lahat, ibang iba ang pakiramdam ko sa lugar. Bukod sa National Shrine ng Divine Mercy sa Marilao, dito naramdaman ko ang kakaibang kataahimikan, kahit may mga gumagawa sa site. Doon namin sinimulan ang una naming pagmumuni muni sa Salita ng Diyos na nailimbag sa Triduum ng Pagpapakasakit, Pagkamataya at Pagkabuhay ni Jesus. Matapos ng aming reflection, pinuntahan naman namin ang relikaryo ni San Pio, at doon umusal kami ng panalangin at humingi ng mga milagro sa tulong ni San Pio.
|
The new main altar of the Cathedral |
|
|
Facade of San Pablo Cathedral |
2. KATEDRAL NG SAN PABLO HERMITANYO (San Pablo City, Laguna) - Natutuwa naman ako at sa matagal ng panahon at muli akong napunta sa Katedral ng San Pablo. Naalala ko pa nga noon ng kami ay namimiyesta dito tuwing buwan ng Enero. Pagkatapos naming magsimba dito ay didirecho na kami sa kamag-anak ng mga nanay na patungo sa Lawa ng Sampalok. Natatandaan ko pa nga ang hitsura ng main altar nito noon. Kasabay ng pagbabago ng panahon, pinalitan na rin ang main altar ng Katedral at mas maganda na siya kaysa noon. Ito ang pangalawang simbahan na aming napasyalan.
|
Kuha mula sa Crypt |
|
Santo Entierro o ang imahen ng bangkay ni Jesus |
|
Altar sa Crypt |
|
Doc and Neth sa ilalim ng sementeryo |
|
Sa likod ko ang "crypt" |
|
Kuha mula sa gate ng semente |
3. KAMPO SANTO SA LIBINGAN SA ILALIM NG LUPA NG NAGCARLAN - Isa sa dapat daanan kung gagawi ka ng Nagcarlan ay ang Underground Cemetery nito. Malayo-layo rin ang paglalakbay mula sa Katedral ang pagtungo dito. Bukod sa makakasaysayan ang lugar na ito, meron ibang pakiramdam ang babalot sa iyo para mag masid sa lugar na ito. May kakaiba akong karanasan na nagpatindig ng aking balahibo habang aming pinagninilayan ang pangatlong pagbasa. Isang babae ang aking napansin na bumaba patungo ng crypt. Sa aming pag-uusisa, may mga nakapagsabi na rin na mayroon din ibang mga tao na pinagpakitaan ng babaeng ito, kung sino man ang babaeng ito, ay siya kong ipinagdasal.
Sa kabilang banda, tuloy pa rin ang aming pag uusisa sa lugar na ito. At dito rin na strike one si Neth ha ha ha. Habang kumukuha ako ng larawan, inalok ako ng isang babae ng pakete ng pasalubong na pastillas. Habang nagbabayad ako sa kanya, hinikayat ako na bisitahin ang Parokya ni San Bartolome, ang simbahan ng Nagcarlan di kalayuan sa libingan.
|
Si Doc Nel at ang Main Altar ng Parokya ng San Bartolome |
|
Ang Simbahan ng Nagcarlan |
|
4. PAROKYA NI SAN BARTOLOME (Nagcarlan, Laguna) - Di naman kalayuan sa Underground Cemetery itong napakalaking simbahan ng Bayan ng Nagcarlan. Maganda ang simbahan at napakatahimik. Tamang tama sa pagninilay. Itong simbahan na ito ay sinasabing naging location ng Kampanerang Kuba.
|
Harapan ng Simbahan ng Liliw |
|
Main altar |
|
5. PAROKYA NI SAN JUAN BAUTISTA (Liliw, Laguna) - Ang simbahang ito, maliban sa Simbahan ng Nagcarlan, para ka na ring nagpunta sa Vigan dahil sa pagkakagawa ng mga simbahan na ito. Red bricks halos ang karamihan. At ang bagong retablo nito ang sabi ng mga taga Liliw ay nirestore at inabot ng 2.5 milyon pesos. Totoo ba ito!?! ha ha ha. Pero kahit gaano pa ang halaga, ang mahalaga ay ang kanilang malalim na debosyon sa Panginoon ng mga taga Liliw.
|
Doc and the Gang |
|
|
Main Altar |
|
Sta. Maria Magdalena |
|
|
Me sa Facade ng simbahan |
|
Simbahan ng Magdalena |
6. PAROKYA NI SANTA MARIA MAGDALENA (Magdalena, Laguna) - Isang simple at payak pero maigting na simbahan ang Parokya ni Sta. Maria Magdalena. Magkakalapit lamang ang lahat sa isang lupa, ang munisipyo, palengke, plaza at ang simbahan, isang typical na layout ng Spanish community. Dito rin namin na discover ang kakaibang paraan ng pagbasa ng Pasyon ng Panginoon na aming narinig sa San Agustin Church noong tignan namin ang exhibit dito. Sinasabi rin na dito din nag location ang Bata pa si Sabel.
7. SIMBAHAN NG INMACULADA CONCEPTION (Sta. Cruz, Laguna) - Ang pinakahuli naming simbahan na binisita at nagsara ng aming Visita Iglesia Part 2. Nasa kabayanan na ang lugar na ito kaya medyo maingay na ang lugar, pero background pa rin ang pasyon na may sarili nilang bersyon.
Ito ang aming Visita Iglesia namin at natapos ito ng maaga. Tamang tama na sa pagkain ng tanghalian. Habang daan humanap kami makakainan along the highway. Ang akala namin ito iyong Palaisdaan di pala kaya umuwi kaming nagsisisi sa nakain namin, pero ok na rin kasi napatid na rin ang gutom namin.
Ng makarating kami ng Maynila, binili na namin ang kulang na spare parts ng chandelier para sa karosa at bumili na rin kami ng mga bulaklak na idedekorasyon sa aming karosa para sa Miyerkoles Santo.